Intro: Ang malusog na tahanan ay:
a.
pangarap ng lahat ng tao.
b. dapat patunguhan ng lahat ng nagasawa.
c. hindi ito
mararanasan dahil mayaman ang napangasawa mo, o kaya ay kilala sa lipunan o kaya ay professional.
Ito ay mararanasan kapag sinunod ang payo sa talatang ito. (Mateo 7:24-27). Ang matatag na buhay ay naitatayo sa pamamagitan ng pakikinig at
pagsasagawa ng salita ng Dios. Ang salita ng Dios ay katulad ng isang plano ng bahay na ginawa ng arkitekto na kapag pinagaralan muna at saka sinunod ay makakasigurado ng isang matatag na bahay.
MGA TAMANG PANANAW SA BUHAY NA ITINUTURO NG DIYOS
1. Ano ang kasal? Gen 2:18 – Nilikha ng Dios ang babae para me
makatuwang ang lalaki sa paglalakbay sa buhay.
2. Ano ang utos ng Dios "pagkatapos makasal"?
Gen 2:24 – Itinakda ng Dios na bumukod sa magulang ang bagong mag-asawa upang bumuo ng isang tahanan na kanilang pamamahalaan. Kaya nga
kahit anong bait ng manugang o biyenan, dadating ang oras na hindi
magkakasundo. MAHIRAP ANG 2 HARI AT REYNA SA ISANG KAHARIAN.
3. Ano ang layunin ng Dios sa "pagkakaron
ng anak" at sa "pagsasama"?
- Malakias 2:15- magkaroon ng mga "susunod na henerasyon na nagmamahal sa Dios". Kaya nga dahil sa layuning ito ayaw ng Dios ng paghihiwalay ng magasawa.
-
Kaya
dapat trabahuhin ang pagsasama. Hindi awtomatikong nagiging maganda ang relasyon ng magasawa. Ang maayos na pagsasama ay bunga ng pagsisikap ng bawat panig kung kaya sa bibliya, ipinahayag ng Dios na ang kauna-unahang katangian ng pagibig ay ang pagiging "matiyaga. 1 Corinthians 11:4
4. Ano ang mga utos ng Dios sa magulang
tungkol sa mga anak?
- 1 Tim 5:8 - Maging responsableng magulang at pakainin ang mga anak.
-
Eph
6:4 – huwag barabara sa galit para itulak na mamuhi ang mga anak
-
Col
3:21 – magiging torpe, mahina loob.
5. Ano ang utos ng Dios sa mga anak tungkol sa kanilang magulang?
- Efeso
6:1-3 (Mahalin at igalang ang magulang upang umayos at humaba ang
buhay)
6. Ano utos ng Dios sa asawang lalake?
-
Eph
5:25 – mahalin ang babae gaya ng pagmamahal ni Kristo sa iglesiya. – ibinigay
buhay
-
Col
3:19 – mahalin, igalang at huwag sigawan.
7. Ano ang utos nbg Dios sa asawang babae?
-
Eph
5:22-23 - maging mapagpasakop sa lalake.
Ang
matatag at maligayang tahanan ay hindi "paswertihan" bagkus ito ay nakakamit sa pagtutulungan ng bawat miyembro
ng tahanan sa pangunguna ng magulang. Tungkulin ng ama at ina na ipundasyon ang
kanilang buhay sa pag-alam at pagtupad sa mga kalooban ng Dios.
No comments:
Post a Comment