Wednesday, August 4, 2010

VIGILANCE: PAGIGING HANDA AT MAPAGBANTAY

Ice Breaker: Kung bibigyan ka ng pagkakataong makabalik sa iyong nakaraan, saang bahagi ka babalik at bakit.


Worship Time:

Text: Gideon 6, 1 Cor 16:3
Maging handa kayo at magpakatatag sa inyong pananampalataya. Maging matapang kayo at magpakatibay, 14 at ang lahat ng ginagawa ninyo'y gawin ninyo nang may pagmamahal.


Layunin:

• Maipakita sa mga mananampalataya ang kahalagahan ng pagiging handa at mapagbantay.

• Makita ang ilang bahagi na dapat bantayan sa ating buhay.

Intro:
May kasabihan sa Ingles na “Action speaks louder than words”. Ibig sabihin, mas makikilala mo ng higit ang isang tao sa kanyang kilos at gawa at hindi sa kanyang mga sinasalita. Ng pumili ang Diyos ng sundalong ipadadala niya sa labanan, pinahalagahan niya ang pagiging "vigilant" o mapagbantay kaysa katapangan lamang. Sa pamamagitan lamang ng kilos, pinili ng Diyos sa mga sundalo ni Gideon ang katangiang hinahanap niya. Ng bigyan ng pagkakataong makainom sa ilog ang mga sundalo, ang karamihan ay agad na sumubsob sa tubig para matugunan ang kanilang uhaw kahit na manganib ang kanilang kalalagayan. Samantalang 300 sa kanila ang hindi basta sumubsob kundi nagtiyagang uminom sa palad na parang aso huwag lang masalisihan ng kaaway. Sa ipinakita nilang ito, sila ang pinili ng Diyos. Ipinakita sa atin ng Diyos sa pamamagitan ng istoryang ito na hindi sapat ang tapang para magtagumpay sa anumang larangan sa buhay, higit nating  kailangan ang laging maging handa at mapagbantay sa buhay.

SAAN-SAAN TAYO TINAGUBILINANG MAGING MAPAGBANTAY?


1. MAGING MAPAGBANTAY SA KAAWAY.

8 Maging HANDA kayo at MAGBANTAY. Ang diyablo, ang kaaway ninyo ay parang leong umaatungal at aali-aligid na naghahanap ng masisila.-1 Peter 5:8

- Itinuturo ng Diyos na mayroon tayong kaaway na hindi nakikita at walang tigil sa paghahanap ng masisila. Ang kaaway ay tuso at kalimitang umaatake sa atin sa mga panahong hindi tayo handa.

2. MAGING MAPAGBANTAY SA KALALAGAYAN NG ATING PUSO.

 Bantayan mo ang iyong puso ng buong sikap sapagkat ito ay bukal ng puso mong tinataglay.-Kawikaan 4:23
- Ang laman ng ating puso ang nagdidikta ng ating pananaw sa buhay. Kung maganda ang laman ng ating puso magiging maganda ang pananaw sa ating buhay ngunit kung ang laman nito ay mga negatibong bagay, magigigng madilim ang ating pananaw sa buhay

 At sinabi niya sa kanila, Mangagmasid kayo, at kayo'y mangagingat sa lahat ng kasakiman: sapagka't ang buhay ng tao ay hindi sa kasaganaan ng mga bagay na tinatangkilik niya.-Lukas 12:15
- Sa tekstong ito, puno ng kasakiman ang puso ng magkapatid kaya't sila ay nagaaway. Sa kanilang pananaw, ang kasaganaan sa mga materyal na bagay ang magdadala ng kasiyahan sa buhay kaya't dahil dito hindi na nila napapansin ang pagsam ng kanilang pagkatao.
- Ang ating mata, tainga at pandamdam ang daanan ng lahat ng pumupunta sa puso kaya sikapin nating ingatan na mabuting bagay lamang ang pahintulutang pumasok sa ating puso.


3. MAGING MAPAGBANTAY SA ATING PANANAMPALATAYA.

…mga kapatid, dapat kayong mag-ingat upang huwag kayong mailigaw ng mga taong walang sinusunod na batas. Sa gayon, hindi kayo matitinag sa inyong mabuting kalagayan. 18 Magpatuloy kayong lumago sa kagandahang-loob at sa pagkakilala sa ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo.-2Pedro3:17

-Layunin ni Satanas na ipahamak ang buhay ng lahat ng tao, kayat gagawa siya ng paraan upang ang pagtitiwala ng tao sa Diyos ay mawala. Maging ang mga taong nagbabasa ng salita ng Diyos ay kanyang pinagaaway-away at nilalagyan ng maling katuruan ang kanilang kaisipan. Dito ipinayo ni Pedro na sa halip na magpakadalubhasa sa mga kung anu-anong katuruan, magsikap ang isang mananampalataya na lumalim sa pagkakilala sa biyaya at kagandahang loob ni Hesus. Si Hesus ay ginawang tagapagligtas ng Diyos. Nais ng Ama na kilalanin mo sa iyong buhay na minsan ipinagkaloob ni Jesus ang kanyang buhay bilang kabayaran ng iyong kasalanan. Matapos mong kilalanin ang kanyang pagliligtas, simulan mo ng gawing Panginon Siya ng iyong buhay. Dito naipapakita ng isang tao ang kanyang pagiging mananampalataya dahil simula ng kilalanin niya si Hesus na tagapagligtas, nagsimula na siyang mamuhay sa pagsunod sa Kanya sa kabutihan at umiiwas na siya sa anumang kasamaan.

MGA DAPAT NA GAWIN:

-MAHALAGA ANG MATAPANG NGUNIT DAPAT SAMAHAN NG PAGIGING MAPAGBANTAY.

-SURIIN SA IYONG BUHAY KUNG SAANG BAHAGI KA NAKAKALIMOT MAGBANTAY DAHIL IYAN ANG DADAANAN NG KAAWAY UPANG IKAW AY KANYANG IBAGSAK.

No comments:

Post a Comment