ANO ANG GOAL NG CELL GROUP MEETING?
24And let us consider how we may spur one another on toward love and good deeds. 25Let us not give up meeting together, as some are in the habit of doing, but let us encourage one another--and all the more as you see the Day approaching. -Hebrews 10:24-25
-ang layunin ay mahikayat ang bawat isa na mamuhay sa pagmamahal sa kapuwa, sa paggawa ng kabutihan at magpalakasan sa isa't-isa.
ANO ANG DAPAT SIKAPIN NG CELL LEADER HABANG NAGCE-CELL GROUP?
- Sikapin niyang mapanatili ang "best mood atmosphere" sa kanyang cell group. Kapag ito ay napanatili ng cell leader, babalik-balikan ng mga attendees ang iyong cell meeting ngunit kung mabigo kang mapanatili ito, maaalala niyang walang kakwenta-kwenta ang kanyang napuntahan at mahihirapan ka na sa susunod na hikayatin siya.
PAANO ITO MAGAGAWA?
- may apat na bahagi ang cell group meeting na dapat niyang laging isagawa at dapat na malinaw at buhay sa kaniya ang layuning nito.
ANG APAT NA BAHAGI NG CELL GROUP MEETING AT ANO ANG IBIG SABIHIN NITO.
1. ICE BREAKER STAGE - 10 minutes
Ang layunin nito ay "maikonekta ang tao sa tao". Tandaan na sa umpisa ng meeting ang mga bagong dating na attendees ay disoriented pa at may kani-kaniyang iniisip. Ang ice breaker ay pwedeng isang katanungang itatanong kahit kanino at walang tama o maling kasagutan. Sa pamamamagitan nito maisesentro mo ang pansin ng lahat ng tao sa cell meeting.
2. WORSHIP TIME STAGE -10 minutes
Ang layunin nito ay "ikonekta ang tao sa Diyos". Matapos maisentro ng cell leader ang kaisipan ng lahat ng attendees, sikapin naman niya na maituon ang isip ng tao sa kabutian ng Diyos. Umawit ng isa o dalawang worship song at dapat buhay na buhay ang espiritu ng magpapaawit. Isunod dito ang "saglit na opening prayer".
3. EDIFICATION STAGE -20 to 30 minutes
Ang layunin nito ay "ikonekta ang Diyos sa tao". Tandaan na hindi ito panahon ng Bible Study. Huwag maging layunin ang basta magturo ng mga doktrina mula sa Bible. Ito ay oras upang tugunan ng Salita ng Diyos ang anumang kabigatan o pangangailangan sa buhay ng isang attendees.
Saan kukuha ng ise-share sa cell group meeting?
Una, pwedeng kumuha ang isang cell leader sa Sunday preaching ng pastor.
Pangalawa, sikapin ng cell leader na laging dumalaw sa cell group members upang malaman niya ang kalalagayan nila at ayon sa kanilang pangangailangan ay doon ka kukuha ng ideyang ituturo sa kanila.
Maging sensitibo sa Holy Spirit ang bawat isa sa oras ng edification stage. Minsan dito ginagamit ng Holy Spirit ang mga spiritual gifts ng bawat isa upang magminister sa pangangailang ng kahit sino sa meeting na ginagawa.
4. SHARE THE VISION STAGE -10 min
Layunin ng bahaging ito na "maikonekta ang mananampalataya sa hindi mananampalataya". Dapat ifocus ng cell leader ang kaisipan ng believer sa kanilang calling bilang isang Christian, sa kanilang bahagi para mamunga ang cell group vision at sa katungkulan ng believer na abutin ang mga taong wala pa sa Panginoon.
Paalala: Huwag "ma-tempt" na pabayaang may makaligtaang gawin sa apat na stages na ito. ang kabiguang gawin ang isang bahagi ay magiging kabiguan sa buong miting. Pagbasta nagshare lang ng salita ng Diyos at disoriented ang tao, babagsak ang "best mood atmosphere" ng meeting.
Sunding mabuti ang mga instructions at isapusong mabuti ang objective ng bawat stage upang maging malinaw sa cell leader ang kanyang ginagawa.
nice!! thanks sa nag post nito! nagkaroon ako ng idea
ReplyDeleteThank you sa pag share Marami Po akong natutunan
ReplyDeleteSalamat sa bagong natutunan ko sa paghawak ng cell group meeting.
ReplyDelete