IceBreaker: Halimabawang ikaw ay nasa barko at dala mo ang lahat ng mahahalagang gamit sa buhay mo, anu ang unang pwede mong itapon kung ito ay iuutos sa iyo?
Text: John 12:24-26, Hebrew 11:24-27
Intro: Marami ang nangangarap na marating ang itaas ng tagumpay dahil nandoon ang popularidad, kalayaan at kapangyarihan. Ang hindi pinapansin ng marami ay ang katotohanang “walang tagumpay kung walang sakripisyo”. Ang salitang sakripisyo ay hindi “pahirap”. Ang ibig sabihin nito ay “alay”; pagaalay o paggi give-up ng bagay na mahalaga sa iyo upang marating mo ang tagumpay.
Si Moses, Abraham, Joseph at iba pa ay mga taong nagsakripisyo ng mga bagay na mahalaga sa kanila, nagsuko ng kanilang mga karapatan upang makamit ang higit na mahalagang nais ng Diyos sa kanilang buhay. At sa kanilang pagsasakripisyo, nakamit nila ang kadakilaan at mga pagpapalang nais ng Diyos na marating nila.
MGA BAGAY NA DAPAT TANDAAN UPANG MARATING ANG ITAAS NG TAGUMPAY
1. GIVE UP TO GO UP
Ang unang nai-give up ni Moses ay ang kalalagayan niya bilang apo ni Faraon. Sabi sa Hebrew 11:24 pinili niya ang mamuhay sa piling ng mahihirap na Israelita maabot lang niya ang nais ng Diyos. Sa John 12:24, pinaalalahanan tayo ni Hesus na ang pamumunga ay magsisimula kung ang binhi ay mamamatay muna. Ito ay prinsipyo ng buhay na itinuturo niya. Hindi pwedeng mamili ang binhi kung gusto niyang mamunga; kailangang maitanim siya at mamatay muna. Ganun din sa ating buhay, bago natin maabot ang itaas ng tagumpay,kailangang igive-up muna natin ang mga kasalukuyang gusto natin na nagiging hadlang para maasikaso natin ang higit na mahalaga.
2. GIVE UP TO GROW UP
Kasabay ng pagtatagumpay ang maraming asikasuhin. Simula sa pagiging pastol naging lider si Moses ng buong Israel. Ito ang bunga ng kanyang ipinagpalit na kalalagayan sa Ehipto. Ngunit habang pinangungunahan niya ang Israel kinakailangan pa niyang “mas ibigay” ang buo niyang sarili para magtagumpay siya bilang lider ng Israel. Maramingbeses na gusto na niyang sumuko dahl sa katigasan ng ulo ng Israel ngunit pinili niya ang magtiiis at iadjust ang ugali mapakitunguhan lang ang bayan ng Diyos.
Ganun din tayo. Ang mga unang iginive-up natin sa ating buhay ay pasimula pa lamang ng ating pagaalay para magtagumpay. Patuloy nating iaadjust ang ating mga pagkatao sa mga situwasyong dumarating sa atin. Kung merong magiging dahilan ng ating pagbagsak ay paghindi natin natutunan ang makibagay sa mga bagong situwasyon na ating nararansan. Kailangang tayo ay mag grow dahil ang lahat ng bagay sa buhay na ito ay lagging nagbabago.
3. GIVE UP TO STAY UP
Hindi natatapos ang pagsasakripisyo sa buhay. Kagaya ng eroplano kinakailangang manatiling nagbubuga siya ng panggatong o fuel upang patuloy na lumipad. Tandaan natin na “sa bawat bagay na nakakamit ay merong nagiging kapalit”. Huwag nating isipin na tayo ay magpapahinga na pagnarating ang itaas ng tagumpay.
ANG TATLONG BAGAY NA ITO AY BATAS NG BUHAY NA NANATILI
1. GIVE UP TO GO UP –MAGSAKRIPISYO PARA UMASENSO
2. GIVE UP TO GROW UP- MAGSAKRIPISYO AT MAGBAGO NG PAGKATAO
3. GIVE UP TO STAY UP- LAGING ISIPIN HABANG BUHAY ANG MAGSAKRIPISYO
PAANO MAGKAKAROON NG MALUWAG NA KALOOBAN SA PAGSASAKRIPISYO?
1. Tandaan na “may kapanahunan para sa lahat ng bagay” Ecclesiaste 3. Anuman ang pinagtitiisan mo ngayon laging isipin na ang panahon ng pagpapala ay darating din.
2. Pagaralang magpahalaga sa kapuwa. Ang masyadong pagpapahalaga sa sarili ang dahilan ng mahirap na pakiramdam sa pagsasakripisyo sa kapuwa.
3. Gawing ugali ang pagbibigay. Ito ang pinakadabest na pampaluwag sa mga "tikom ng kamay".
4. Pagaralang maenjoy ang mga ariarian at pagaralang huwag higpitan ang paghawak sa mga iyon. (kagaya ng asawa ni Lot na hidi maiwan ang mga ariarian)
5. Tanawin ng malalim na ang pagpapala ay mula sa Diyos at hindi sa iyo.
6. Panatilihin nakatuon ang iyong pananaw sa mga bagay na walang hanggan. (Maintain eternal perspective)
No comments:
Post a Comment