Text: Efeso 2:10 Sapagkat tayo'y nilalang ng Diyos; nilikha sa pamamagitan ni Cristo Jesus upang iukol natin ang ating buhay sa paggawa ng mabuti. Iyan ang layuning pinili ng Diyos para sa atin noong una pa man.
Objective:
- Layunin ng cell leader na maipakita sa mga mananampalataya ang 3 yugto o stages ng buhay na nais ng Diyos na malagpasan niya.
- Layunin din na maipakita na plano ng Diyos na tayo ay maging instrumento sa buhay ng iba.
1. ANG TAO AY INAABOT NG DIYOS SA PAMAMAGITAN NG BIYAYA AT PAGPAPALA
- Dapat nating tandaan na ang isang mananampalataya ay inabot ng Diyos sa pamamagitan ng biyaya at pagpapala.
a. Ano ang sinasabi maging sa kaligtasan ng isang believer? Efeso 2:8-9 “Sa biyaya tayo ay naligtas hindi dahil sa mabuting gawa.”
b. Bakit biyaya? Ano ang sinasabi ng 1 Jn 4:9 “Tayo ay natutong umibig sa Diyos dahil una niya tayong inibig.” Maging sa pagibig Diyos muna ang nagpadama sa atin.
c. Paano tayo inaalagaan sa umpisa ng Diyos? 1 Pedro 2:2 Gaya ng sanggol, kayo'y manabik sa dalisay na gatas na espirituwal upang lumago kayo sa pananampalataya hanggang makamtan ninyo ang ganap na kaligtasan, 3 sapagkat sinasabi sa kasulatan, "Naranasan na ninyo ang kabutihan ng Panginoon." – katulad ng isang sanggol hindi tayo hinahanapan sa umpisa ng paglilingkod kundi binubusog muna tayo at pinalalakas.
2. ITUTURO NG DIYOS ANG DAAN SA BUHAY NA PINAGPALA
- Ano sabi ni Hesus sa mga taong sunod ng sunod sa Kanya? John 6:26 Sumagot si Jesus, Pakatandaan ninyo: hinahanap ninyo ako, hindi dahil sa mga himalang nakita ninyo, kundi dahil nakakain kayo ng tinapay at nabusog. Huwag ang pagkaing nasisira ang inyong pagsikapang kamtan, kundi ang pagkaing hindi nasisira at nagbibigay ng buhay na walang hanggan.
- Katulad ng kasabihan ng iba, “Hindi sapat na ang isang tao ay bigyan mo lang ng isda kundi turuan mo siyang mangisda.”
- Matapos nating maranasan ang mapagpala ng Diyos, ang susunod nating sikapin ay makilala Siya ng husto. Ang Diyos ay hindi basta abot ng abot ng pagpapala sa tao. Tuturuan niya tayong alamin at isagawa ang Kanyang mga kapamaraanan upang mapagpala ang ating buhay.
3. ITINUTURO SA TAO ANG LAYUNIN AT PLANO NG DIYOS NA NAGPALA
- Ano ang layunin ng nagpala sa ating buhay? Efeso 2:14-22
(Basahin ang teksto at ipaliwanag na ang layunin ng Diyos ay mailapit ang lahat ng tao sa Diyos sa pamamagitan ni Hesus. Kaya nga ang utos ng Diyos sa Mateo 28:19-20 ay abutin natin ang ibang tao upang sila man ay mapagpala ang buhay.)
DAPAT TANDAAN AT GAWIN:
ITO ANG GINAGAWA SA ATIN NG DIYOS; UNA AY PINAGPALA, PANGALAWA AY TINUTURUANG SUMUNOD SA SALITA UPANG PATULOY NA MAPAGPALA AT PANGATLO AY MAGPLANO NA MAGPALA NG BUHAY NG IBA. SIKAPIN NATING MAKAGRADUATE SA BAWAT YUGTO NG BUHAY KRISTIYANO AT MAABOT ANG IBANG KALULUWA.
!!! MAGISIP NG MGA TAONG AABUTIN MO SA MGA SUSUNOD NA ARAW; IPINALANGIN AT BAHAGINAN NG MABUTING BALITA.
No comments:
Post a Comment