Saturday, July 17, 2010

CONSECRATION, ANG PAGTATALAGA NG SARILI PARA SA DIYOS

IceBreaker: Kung bibigyan ka ng kapangyarihan, ano ang una mong gagawin at bakit?

Text: Joshua 7:13

Go, consecrate the people. Tell them, `Consecrate yourselves in preparation for tomorrow; for this is what the LORD, the God of Israel, says: That which is devoted is among you, O Israel. You cannot stand against your enemies until you remove it.

Objective:
• Layunin ng cell leader na maipaliwanag ang kahulugan ng Consecration.

• Layunin ding maituro ang bahagi ng mananampalataya para maitalaga Niya ang kanyang sarili sa Diyos.

Intro: Matapos ang matagumpay na paglusob ng mga Israelita sa Jericho, ikinagulat ng labis ni Joshua ang kanilang mabilis na pagkatalo sa maliit na tribo ng Ai. Ang dahilan, sinuway nila ang Diyos na huwag kukuha ng anumang bagay na iniutos Niyang wasakin nila. Mataas ang pamantayan ng Diyos sa Kanyang mga kawal at ang isang bahagi nito ay ang makitang “nakatalaga” ang sarili niya para sa Diyos. Kailangan ng Diyos ang matinding dedication at devotion ng isang kawal upang matagumpay Niyang maisagawa ang Kanyang mga plano.

1. ANO ANG KAHULUGAN NG CONSECRATION?

- Ang ibig sabihin nito ay, ihiwalay mo ang iyong sarili sa masama, bumaling ka sa Diyos at italaga mo ang iyong sarili para maglingkod sa Kanya. Ang Consecration at Holiness ay may pagkakahalintulad. Ang consecration ay ang proseso samantalang ang holiness ay ang status o kalalagayan ng nakatalaga.

- Sa Lumang Tipan, para ang isang tao ay ituring na consecrated o holy, kinakailangan sumunod siya sa seremonya ng paglilinis at pagkatapos ay ang pagsunod sa mga kautusan ni Moises.

- Sa Bagong Tipan, ang isang tao ay itinuturing ng malinis kapag kinilala niya ang pagtubos na ginawa ni Jesus at pagkatapos ay kailangan niyang ipakita sa kanyang buhay na siya ay “nakatalaga” na sa Diyos sa pamamagitan ng pagiwas sa masama. Pinagkalooban din siya ng Banal na Espiritu na siyang gabay at kapangyarihan para masunod niya ang Diyos.

2. ANG KAHALAGAHAN NG CONSECRATION

- Ang Romans 12:1-3 ay isang panawagan ng Diyos sa “pagtatalaga”.

- V1-Sinasabi ng talatang ito na ito ang “tunay na pagsambang” hinahanap ng Diyos sa atin at hindi basta pagkanta.

- V2-hindi sapat na tayo ay “ma-inform” sa kung anu ang masama at mabuti. Gusto Niya na tayo ay “huwag magconform” (huwag umayon) sa masama kundi “ma-transform” o mabago. Ang pagbabago ay magaganap sa atin kapag nagpasiya tayo na “italaga o i-consecrate” an gating buhay sa Diyos.

- V3- Maraming buhay ang nagugulo dahil sa kawalan ng standard na sinusunod sa buhay. Hindi alam ng marami kung ano talaga ang tamang gawin sa buhay. Pag nakaconsecrate na ang buhay natin sa Diyos malalaman natin ng malinaw ang kalooban ng Diyos na siyang tunay na daan ng buhay. Meron na tayong focus at ito ang magdadala ng pagpapala sa ating buhay.

3. ANG DALAWANG BUNGA NA PALATANDAAN NG TUNAY NA NAKATALAGA SA DIYOS

a. Makikita sa kaniya ang Bunga ng Banal na Espiritu – Ang bunga ng Espiritu ay mga magagandang karakter na makikita sa buhay ng isang tunay na “consecrated” sa Diyos. Dahil sa kaniyang pagsunod sa Diyos uusbong ang mga ito sa kaniyang buhay at kagigiliwan siya ng mga tao.(Gal 5:22)

b. Ang pangalawang bunga na makikita sa kanya ay “souls” o mga kaluluwa. Kung paanong ang santol ay magbubunga ng santol, ganun din na ang Christian ay magbubunga din ng Christian. Ang unang bunga ay pagsisikap ng Banal na Espiritu sa iyong buhay at ang pangalawang bunga ay pagsisikap mo sa buhay ng ibang tao.

MGA DAPAT TANDAAN AT GAWIN

Ang “consecration” ay isang desisyon na dapat isagawa kaagad dahil ito ang daan ng katagumpayan at pagpapala sa buhay. Muli tayong lumapit sa Diyos at ibukas ang ating mga sarili sa Kaniya. Sapat na ang mga nagdaang panahon na tayo ay namuhay sa ating mga sariling kagustuhan at kapamaraanan. Ito na ang panahon na tayo ay tunay na magtalaga ng ating sarili para sa Kanya upang maranasan natin ang mapagpala at makapagpala din ng ibang buhay.

John 15:8This is to my Father's glory, that you bear much fruit, showing yourselves to be my disciples.14You are my friends if you do what I command…16You did not choose me, but I chose you and appointed you to go and bear fruit--fruit that will last. Then the Father will give you whatever you ask in my name.

2 comments:

  1. Exactly ito sa bible study nmin..ito ang topic consecrate youre self to the lord..

    ReplyDelete